Monday, October 22, 2018

Iba't-ibang uri ng pagkain na makikita at matitikman sa Pilipinas


            Mayaman ang Pilipinas sa likas yaman. Marami ang dumadayo dahil na rin sa mga nakakamanghang tanawin. Kilala rin ang ating bansa sa mga pagkain na dito na rin makikita sa bansa. Ngayon itatalakay ko ang mga pagkaing espesyal sa Pilipinas.


Pinakbet ng Ilocos Norte

            Ang pinakbet o pakbet ay isang pagkaing pilipno na may laman ng baboy o baka at gulay. Karaniwang pinakukuluan ang mga sangkap nito at sinasahugan ng bagoong bilang pampalasa. Isa ito sa mga pinakasikat na pagkain sa Ilocos Norte. Lahat ng pinoy alam kong paano ito lutuin pero ito ay nagmula talaga sa Ilocos Region.


Bagnet ng Ilocos

            Ito ay kilala sa local na pangalan na chicharon. Ito ay isa sa mga kilalang pagkain ng Pilipinas na matatagpuan sa Ilocos. Ito ay karaniwang isinawsaw sa suka, bagoong at bawang.



Longganisa ng Ilocos

            Ito ay kilala dahil sa napakasarap na lasang Ilocos sausage na ang gamit pampalasa ay ang tinatawag nilang local garlic. Ito ay nagmukhang Spanish Chorizo Sausage.


Empanada ng Ilocos Norte

            Ang empanada ay ang pinakasikat na street food sa Ilocos Norte. Ito ay gawa sa kinuskos na papaya, itlog, at longganisa na binalot sa malakulay na kaleh na rice daugh. Isa din ito sa pinakagustong kainin nag mga taga Northern Luzon.



Lukot-Lukot ng Zamboanga

            Kilala angmga Muslim sa Zamboanga dahil sa kanilang mga kilalang kakanin. Isa na dinto ang “Lokot-Lokot” (Zamboanga Rolls, Zambo rolls, Locot-Locot, Lukot-Lukot) o kilala rin sa tawag na “Jaa”. Hinahanda lamang ang kakanin na ito tuwing may espeyal na okasyon gaya ng “Hinaraya” o “The feast of the Eid-i-Fitr” na selebrasyon sa pagtatapos ng “Fasting Month” na Ramadan.

               Halina kayo sa Pilipinas nang makita niyo at matikman ang mga espesyal na pagkain rito. Sa Pilipinas lang ito matatagpuan. Kaya't kong ako sa inyo punta na kayo dito. 


No comments:

Post a Comment