Mayaman
ang Pilipinas sa likas yaman. Marami ang dumadayo dahil na rin sa mga
nakakamanghang tanawin. Kilala rin ang ating bansa sa mga pagkain na dito na
rin makikita sa bansa. Ngayon itatalakay ko ang mga pagkaing espesyal sa
Pilipinas.
Pinakbet ng Ilocos
Norte
Ang pinakbet o pakbet ay isang
pagkaing pilipno na may laman ng baboy o baka at gulay. Karaniwang pinakukuluan
ang mga sangkap nito at sinasahugan ng bagoong bilang pampalasa. Isa ito sa mga
pinakasikat na pagkain sa Ilocos Norte. Lahat ng pinoy alam kong paano ito
lutuin pero ito ay nagmula talaga sa Ilocos Region.
Bagnet ng Ilocos
Ito ay kilala sa local na pangalan
na chicharon. Ito ay isa sa mga kilalang pagkain ng Pilipinas na matatagpuan sa
Ilocos. Ito ay karaniwang isinawsaw sa suka, bagoong at bawang.
Longganisa ng Ilocos
Ito ay kilala dahil sa napakasarap
na lasang Ilocos sausage na ang gamit pampalasa ay ang tinatawag nilang local
garlic. Ito ay nagmukhang Spanish Chorizo Sausage.
Empanada ng Ilocos
Norte
Ang empanada
ay ang pinakasikat na street food sa Ilocos Norte. Ito ay gawa sa kinuskos na
papaya, itlog, at longganisa na binalot sa malakulay na kaleh na rice daugh.
Isa din ito sa pinakagustong kainin nag mga taga Northern Luzon.
Lukot-Lukot ng
Zamboanga
Kilala
angmga Muslim sa Zamboanga dahil sa kanilang mga kilalang kakanin. Isa na dinto
ang “Lokot-Lokot” (Zamboanga Rolls, Zambo rolls, Locot-Locot, Lukot-Lukot) o
kilala rin sa tawag na “Jaa”. Hinahanda lamang ang kakanin na ito tuwing may
espeyal na okasyon gaya ng “Hinaraya” o “The feast of the Eid-i-Fitr” na
selebrasyon sa pagtatapos ng “Fasting Month” na Ramadan.
Halina kayo sa Pilipinas nang makita niyo at matikman ang mga espesyal na pagkain rito. Sa Pilipinas lang ito matatagpuan. Kaya't kong ako sa inyo punta na kayo dito.
Halina kayo sa Pilipinas nang makita niyo at matikman ang mga espesyal na pagkain rito. Sa Pilipinas lang ito matatagpuan. Kaya't kong ako sa inyo punta na kayo dito.